₱5K cash assistance ipinamahagi sa mga pamilyang biktima ng pag-a-alburuto ng Bulkang Mayon
Tumanggap ng tig- ₱5,000 cash assistance ang mga pamilyang nasa mga evacuation centers sa lalawigan ng Albay dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Ang cash assistance ay mula sa special fund ni House Speaker Martin Romuladez.
Umabot sa 910 pamilya sa bayan ng Daraga ang binigyan ng tig- ₱5,000 cash assistance, 934 pamilya naman mula sa bayan ng Camalig at 800 pamilya mula sa Ligao City.
Pinasalamatan naman ng mga local government officials si Speaker Romualdez sa pagbibigay ng cash assitance sa mga pamilyang apektado ng aktibidad ng Mayon Volcano.
Maliban sa cash assitance nagbigay din ang office of the speaker ng mga relief goods sa mga biktima ng bulkang mayon sa albay.
Vic Somintac