1.2 milyong doses ng reformulated Pfizer vaccine, dumating sa bansa
Dumating sa bansa kagabi ang karagdagang 1.2 milyong doses ng reformulated Pfizer vaccines na ginagamit para sa pagbabakuna sa mga nasa 5-11 age group.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19 , lumapag ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, alas-8:00 kagabi.
Ang mga bakunang dumating ay binili ng gobyerno sa pamamagitan ng World Bank.
Nitong Biyernes ng gabi, matatandaang dumating din sa bansa ang nasa higit 1.1 milyong doses ng reformulated Pfizer vaccine.
Sa datos ng Department of Health, nasa kabuuang 736,143 mga bata na ang fully vaccinated kontra Covid-19 at nasa 1.8 milyong mga bata naman ang nakatanggap ng unang dose.