1 bilyong halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust operation sa Cavite
Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency ang nasa 149 kilogram ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng higit isang bilyong piso sa buy-bust operation sa Cavite.
Isinagawa ang operasyon sa Barangay Molino 3 Bacoor Cavite kaninang alas-7:00 ng umaga.
Naaresto sa operasyon ang 3 suspects na kinilalang sina Jorlan San Jose Abungkas, Joseph Maurin Mindaro at Joan Lumanog Habulan na pawang mga residente ng Dominorig, Talatag Bukidnon.
Batay sa imbestigasyon, may kaugnayan ang mga suspect sa isang top-level drug personality na si Basher Bangon na napatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis noong September 9.
Narekober sa kanila ang mga buy-bust money at isang mobile phone.
Nahaharap ang mga ito sa mga kasong kriminal dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.