1 patay sa pagsabog malapit sa mga government building sa Brazilian capital 

Isa ang patay kasunod ng dalawang pagsabog malapit sa mga government building sa Brazilian capital.

Nangyari ang mga pagsabog, bandang 7:30 kagabi, local time.

Ang unang pagsabog ay naganap sa labas ng Supreme Federal court habang ang ikalawang pagsabog ay nangyari naman malapit sa Chamber of deputies, Lower house parliament.

Ayon sa mga nakasaksi, isang lalaki na may hawak na pampasabog ang nakitang lumapit sa courthouse.

Nangyari ang insidente malapit sa kinaroonan ng Supreme Court, the parliament at presidential palace.

Dahil sa insidente, ipinag-utos na abandonahin muna ang courthouse at sinuspinde ang mga sesyon ng Houses of the Parliament.

Naniniwala si Ibaneis Rocha, ang governor ng Brasilia, na isa itong suicide attack.

Ito’y matapos mapaulat kamakailan na ang suspect na isang 59-year old na lalaki ang nagbanta sa social media sa mga government official partikular sa  supreme court justices.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *