10 lugar sa bansa , prayoridad na suplayan ng COVID vaccines dahil sa mataas na kaso
Sampung lugar pa sa buong bansa ang prayoridad ngayon ng gobyerno na suplayan ng COVID vaccine dahil sa mataas na kaso ng nagkakaroon ng virus.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, bukod sa NCR plus 8 na kinabibilangan ng Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga at Rizal, may sampung probinsya pa ang binabantayan ng IATF.
Hindi tinukoy ni Roque ang mga lalawigan pero Nauna nang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez na kabilang sa mga napadalhan na ng bakuna ang Regions 6, Region 10, Region 9, Region 8, Region 11, CARAGA, Region 1 at 2, Region 3, Region 4,at Region 5.”
Siyam na siyudad at labindalawnag probinsya sa naturang mga rehiyon ang naka lockdown hanggang katapusan ng hunyo dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID 19.
Sinabi ni galvez na 30 hanggang 42 percent ng dumarating na suplay ng bakuna ang dadalhin sa naturang mga rehiyon dahil sa pagsirit ng mga kaso.
Sina Galvez at Roque ay personal na sumama sa ginawang pag-Iikot ng ilang medical experts mula sa Israel para tingnan ang mga vaccination site ng gobyerno.
Isa sa kanilang binista ang vaccination site sa Solaire hotel.
Ayon kay roque, dito babakunahan ang mga empleyado ng mga pribadong kumpanya na bumili ng moderna vaccine sa pamamagitan ng tripartite agreement.
Malaking tulong aniya ito sa gobyerno Dahil sa naturang vaccination site lamang maaring makapagturok ng bakuna na aabot sa anim na libo kada araw
Ibabahagi aniya ng mga medical expert na ito ang kanilang technique kung paano mabilis na na achieve ang herd immunity.
Meanne Corvera