10 Senador, naka-perfect attendance sa mga sesyon
Labingsiyam (19) na Senador ang nakakuha ng perfect attendance para sa 2nd regular session ng 18th Congress ng Senado.
Ito ay mula July 27, 2020 hanggang June 3, 2021 o 69 session days.
Sa records ng Senado, lumabas na perfect attendance o nakasagot sa lahat ng 69 roll calls sina Senators:
- Nancy Binay
- Bong Go
- Lito Lapid
- Panfilo Lacson
- Manny Pacquiao
- Tito Sotto
- Francis Tolentino
- Joel Villanueva
- Cynthia Villar
- Juan Miguel Zubiri
Samantala, perfect attendance din ang ilan pang Senador pero hindi lamang sila nakarespond sa roll call o nag-appear sa online matapos ang roll call.
Kabilang na rito sina Senators:
- Sonny Angara
- Pia Cayetano
- Franklin Drilon
- Sherwin Gatchalian
- Risa Hontiveros
- Imee Marcos
- Aquilino Pimentel
- Grace Poe at
- Bong Revilla
Ibig sabihin nito ay nakapasok pa rin ang nasabing mga Senador sa lahat ng 69 session pero dumating o nag-konek online matapos ang roll call o kaya ay nasa official mission.
Ang mga Senador naman na may absent ay sina Senador Ronald Dela Rosa na may apat na sick leave matapos tamaan ng Covid-19.
Isa naman ang naging pagliban ni Senador Richard Gordon at may isang local official mission.
Sina Senators Francis Pangilinan at Ralph Recto ay may dalawang beses na pagliban habang ang nakakulong na si Senador Leila de Lima ay naitalang absent sa 69 session days.
Meanne Corvera