100 na mga balikbayang pinoy na positibo sa COVID-19 , dinala ng DOH sa Manila COVID-19 modular hospital sa Luneta
Inilagak ngayon sa Manila COVID-19 modular hospital sa Luneta ang isang daang mga balikbayang pinoy na mula sa ibat-ibang bansa na positibo sa COVID-19.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na sagot ng gobyerno ang kanilang accommodations habang nasa quarantine.
Ayon kay Duque , mahigpit ang ipinatutupad na health protocol sa mga balikbayan pinoy dahil na rin sa banta ng Omicron variant.
Inihayag ni Duque na bagamat apat pa lamang ang kumpirmadong kaso ng omicron variant sa bansa na galing abroad ay hindi isinasantabi ng IATF na posible pa itong madagdagan dahil patuloy ang pagdating sa bansa ng mga returning overseas filipino workers.
Niliwanag ni Duque na mahigpit ang isinagawang monitoring ng IATF at Bureau of quarantine sa lahat ng mga nagbabalik bayang mga pinoy.
Umapela si Duque sa publiko na patuloy na sundin ang standard health protocol na mask hugas iwas at magpabakuna lalo na at nasa holiday fever ang ating mga kababayan.
Kaugnay nito sinabi ni National task force Chief implementer secretary Carlito Galvez jr. na mahigpit na ipapatupad ng pamahalaan ang lahat ng mga guidelines na inilabas ng IATF upang maagapan ang pagkalat sa bansa ng Omicron variant.
Vic Somintac