100 sanitary toilets itinayo ng USAID at partners para i-promote ang household sanitation
Tinatayang 500 katao ang makikinabang sa 100 sanitary toilets na itinayo ng USAID at mga partners sa Sagay City, Negros Occidental at Alabel, Sarangani.
Ayon sa US Embassy, nasa 200 katao mula sa 40 households sa Sagay City at 300 katao mula sa 60 households sa Alabel ang mayroon nang sariling sanitary toilets.
Batay sa datos, umaabot sa 6 na milyong Pilipino ang walang access sa palikuran.
Ang kakulangan sa mga nasabing pasilidad ay maaaring magdulot ng waterborne diseases at kontaminasyon ng freshwater resources.
Ang installation ng toilets ay bahagi ng pilot activity sa implementasyon ng financing scheme na Output-Based Aid and Blended Finance (OBA-BF).
Sinabi ng Alabel LGU na malaki ang maitutulong ng grant mula sa OBA-BF para mapagbuti ang sanitation sa kanilang mga komunidad.
Ayon naman sa Sagay LGU, bilang tourist destination ay dapat makapagtayo sila ng mga nasabing palikuran para sa mga tao upang mapanatili ang kalinisan ng marine reserve.
Plano ng USAID na palawigin ang nasabing financing scheme sa iba pang lokal na pamahalaan sa bansa.
Partikular na sa Safe Water program sites sa Palawan, Negros Occidental, at Sarangani.
Moira Encina