100,000 inahing manok namatay dahil sa bird flu sa isang poultry farm sa Czech Republic
Walompung libong (80,000) inahing manok ang nakatakdang patayin ng Czech vets sa isang poultry farm, kung saan higit 100,000 hayop na ang namatay sanhi ng bird flu mula pa nitong nakalipas na linggo ayon sa state veterinary office.
Ang farm sa Libotenice, may 45 kilometro (28 milya) hilaga ng Prague, ay may kabuuang 188,000 inahing manok bago mag-Disyembre a-25.
Ayon kay State Veterinary Administration spokesman Petr Majer . . . .“The culling of hens from halls affected by bird flu is under way. The numbers show that this strain, the highly pathogenic H5N1, is very aggressive and kills hens in particular fast and on a mass scale.”
Aniya, sisirain na rin ng mga beterinaryo ang higit sa isang milyong mga itlog mula sa naturang farm.
Ang Czech Republic ay nakapagtala ng 48 outbreaks ng bird flu ngayong taon, ang pinakamataas na bilang sa isang calendar year ng kasaysayan.
Ang sakit ay kasalukuyang namiminsala sa Europe, kung saan ang France ay nag-ulat ng isang outbreak sa kanilang foie gras producing Landes region nitong nakalipas na linggo.