10,400 bar examinees nakatapos sa unang araw ng 2023 Bar Examinations
Kabuuang 10,400 bar candidates ang nakatapos sa unang araw ng 2023 Bar Examinations noong Linggo, September 17.
Ayon sa Korte Suprema, ito ay katumbas ng 96.38% turnout mula sa halos 10,800 bar applicants.
Itinuturing naman ni Supreme Court Justice at 2023 Bar Exams Chair Ramon Paul Hernando na matagumpay ang unang araw ng bar exams.
Aniya, naging mapayapa at maayos din ang pagsasagawa ng eksaminasyon at umaasa siyang ito ay magpatuloy hanggang sa huling araw ng pagsusulit.
Sa first day ng eksaminasyon, ang morning exam ay Political Law and Public
International Law habang ang afternoon exam ay Commercial and Taxation Laws.
Target naman ni Hernando na mailabas nang maaga ang resulta ng bar exams sa Disyembre.
Ayon pa sa mahistrado, plano rin ng Supreme Court na isagawa nang sabay sa Disyembre ang oath- taking at ang on-site signing sa Roll of Attorneys ng mga bagong abogado
Moira Encina