11 katao patay sa sunog sa Binondo, Maynila

Aabot sa 11 katao ang patay sa sunog sa Brgy 289, Carvajal St., Binondo, Maynila ayon kay barangay kagawad Nelson Ty.

Ayon kay Ty, dalawa sa mga namatay ay border na mga tauhan ng Philippine Coast Guard.

Barangay Kagawad Nelson Ty

Aniya, “Natrap po ung mga nasa mezzanine at 2nd floor di na po nakalabas.”

Kasama rin sa nasawi ang may-ari ng establisyimento.

Nagsimula aniya ang sunog bandang ala siete ng umaga.

Sinabi ng kagawad na ang sumabog na LPG tank sa karinderya na nasa ilalim ng gusali ang pinagmulan ng sunog.

Hindi na aniya nakalabas sa gusali ang mga biktima na pawang mga border na nasa mezzanine at ikalawang palapag.

Hindi bababa sa tatlong establisyimneto ang nadamay sa sunog.

Idineklarang fire out ang sunog kaninag alas-10:03 ng umaga.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *