11 mga Duplicator Machine ipinagkaloob ng Carigara Leyte, LGU sa mga pampublikong paaralan sa kanilang bayan
Namahagi ng mga duplicator machines ang lokal na pamahalaan ng Carigara, Leyte para sa pitong mga pampublikong paaralan sa naturang bayan.
Ang mga naturang kasangkapan ay magagamit ng mga paaralan para sa mass reproduction ng mga self learning modules na ginagamit naman ng mga estudyante, ngayong ipinatutupad ng DepEd ang blended learning approach dahil sa pandemiyang dala ng Covid 19.
Apat na public secondary school at tatlong public elementary schools ang mga nakatanggap ng labing-isang duplicator machine na personal namang ibinigay ng alkalde at bise alkalde sa bayan ng Carigara.
Ulat ni Rose Marie Metran
Please follow and like us: