11 patay matapos tumaob ang bangka sa Indonesia

This handout picture taken and released on April 28, 2023 by the Indonesia Search and Rescue Agency (BASARNAS) shows rescue workers moving victim's bodies after a passenger boat overturned shortly after leaving Tembilahan port in Indragiri Hilir Regency a day earlier. - Eleven people drowned in western Indonesia after a passenger boat carrying dozens overturned, an official said on April 28. (Photo by Handout / Indonesia Search and Rescue Agency (BASARNAS) / AFP) / RESTRICTED TO EDITORIAL USE - MANDATORY CREDIT "AFP PHOTO / Indonesia Search and Rescue Agency (BASARNAS) " - NO MARKETING NO ADVERTISING CAMPAIGNS - DISTRIBUTED AS A SERVICE TO CLIENTS

This handout picture taken and released on April 28, 2023 by the Indonesia Search and Rescue Agency (BASARNAS) shows rescue workers moving victim’s bodies after a passenger boat overturned shortly after leaving Tembilahan port in Indragiri Hilir Regency a day earlier. – Eleven people drowned in western Indonesia after a passenger boat carrying dozens overturned, an official said on April 28. (Photo by Handout / Indonesia Search and Rescue Agency (BASARNAS) / AFP) /

Labing-isa katao ang nalunod sa western Indonesia makaraang tumaob ang isang pampasaherong bangka, na may lulang dose-dosenang katao.

Sa pahayag ng local search and rescue agency official na si Kukuh Widodo, nailigtas ng rescuers ang 62 katao at natagpuan ang mga bangkay na karamihan ay mga babae at bata makaraan ang aksidente, sa baybayin ng western Riau province.

Sinabi ni Pekanbaru national search and rescue agency spokesperson Widodo, “The capsized boat carried 74 people. Sixty-two survived the incident, 11 are dead, and one other is still being searched for.”

Ang speedboat na patungo sa Tanjung Pinang city sa Riau islands, ay tumaob ilang sandali makaraang umalis sa Tembilahan port, na 198 kilometro (123 milya) ang layo sa katabing lalawigan.

Ayon sa mga opisyal, iniimbestigahan pa ang sanhi ng aksidente.

Nagbabala siya na ang bilang ng nawawala ay maaaring maragdagan pa, dahil ang tiyak na bilang ng mga taong lulan ng Evelyn Calista 01 ay hindi pa nakukumpirma.

Karaniwan na sa Indonesia na ang bilang ng aktuwal na pasahero ay iba mula sa manipesto.

Karaniwan na rin ang marine accidents sa Indonesia, isang Southeast Asian archipelago ng humigit-kumulang 17,000 mga isla, dahil sa kakulangan ng safety standards.

Noong 2018, higit sa 150 katao ang nalunod nang lumubog ang isang ferry sa isa sa pinakamalalim na lawa sa Sumatra island.

© Agence France-Presse

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *