12 billion pesos na financial assistance ipapamahagi ng Department of Agriculture sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyong Egay at Falcon
Nakatakdang makatanggap ng tulong pinansiyal mula sa gobyerno ang mga rice farmers partikular ang mga sinalanta ng bagyo.
Ito ang kinumpirma ni Department of Agriculture o DA Senior Undersecretary Leocadio Sebastian sa pagdinig ng House Committe on Agriculture and Foods.
Ayon kay Sebastian nasa 12 bilyong piso ang rice financial assistance ang ibibigay sa mga magsasaka at hinihintay na lamang ang approval ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Inihayag ni Sebastian sa mga kongresista na may mga hakbang na ang Department of Agriculture para mapabuti ang produksiyon ng bigas sa bansa.
Aminado ang Department of Agriculture na may pagtaas ng presyo ng bigas, dahil tumaas din ang presyo sa farmgate.
Inihayag ni Sebastian na matapos aprubahan ni Pangulong Marcos Jr. ang 1.3 million metric tons na aangkating bigas upang masiguro ang sapat na suplay ng bigas sa bansa darating na hanggang ikalawang linggo ng buwan ng September ang unang batch ng aangkating bigas ng mga pribadong negosyante na umaabot sa 600 thousand metric tons.
Vic Somintac