12 korporasyon at indibidwal inireklamo ng tax evasion ng BIR sa DOJ

Sinampahan ng BIR Caloocan ng reklamo sa DOJ ang 12 korporasyon at negosyante dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis na nagkakahalaga ng mahigit Php380 million.

Reklamong willful failure to pay taxes sa ilalim ng Section 255 ng Tax Code ang inihain ng BIR laban sa 12 respondents na mula sa Caloocan, Malabon, Valenzuela, at Bulacan.

Kinilala ang inireklamong korporasyon na COSKO EXPORT & IMPORT, INC., INFINITY PLASTIC PACKAGING CONCEPTS, INC., CHONTA INDUSTRIAL PACKAGING, INC.,LEGRAND COMMERCIAL INC., HOME CENTER CONSTRUCTION SUPPLY CORP., at POWERLOCK INDUSTRIAL SUPPLY INC.

Kabilang din sa ipinagharap ng tax evasion complaint ang mga opisyal ng mga nasabing korporasyon.

Ang mga negosyante naman na kinasuhan ay sina ELDIN BRANZUELA GUINITA ng EGUI ENTERPRISE; MARIE ANTONIETTE M. LAGMAN ng CLOTHWEAR GARMENTS; GLENN RAMOS GODOY ng GOLDEN WIN ENTERPRISES; EDMAR MANGAHAS TOVILLO ng TOVILLO CONSTRUCTION & SERVICES; LLOYD NEILSEN BATBATAN CHIONG ng GREEN DOT BOUTIQUE; at MA. DONNA GRACE GIMBAO AYETA ng ALEGESUARI TRADING.

Kabuuang Php381.64 million ang tax liability na hinahabol ng BIR sa mga respondents para sa mga taong 2006, 2010, 2011, 2012, 2013, 2014, at 2015.

Pinakamalaki na tax deficiency ay kay Ayeta na mahigit Php101.95 million.

Ayon sa BIR, pinadalhan na ng mga abiso ang mga respondents pero nabigo pa rin ang mga ito na bayaran ang utang sa buwis kaya tuluyan nang ipinagharap ng reklamo.

Moira Encina

Please follow and like us: