12 Russian UN staff pinatalsik ng US dahil sa ‘espionage activities’

A general view of the United Nations Security Council meeting at United Nations headquarters in New York City on February 28, 2022. – The United Nations opened a rare emergency special session of the General Assembly on Monday to discuss Russia’s invasion of Ukraine by observing a minute of silence for those killed in the conflict. (Photo by ANGELA WEISS / AFP)

Sinabi ng Estados Unidos na pinatalsik nito ang 12 miyembro ng UN mission ng Russia mula sa Amerika, dahil sa pagiging “intelligence operatives” na ikinagalit ng Moscow at tinuligsa ang hakbang na anila’y udyok ng galit.

Ayon kay Olivia Dalton, isang tagapagsalita para sa US mission sa United Nations (UN) . . . “Those ordered to leave had abused their privileges of residency in the United States by engaging in espionage activities that are adverse to our national security. We are taking this action in accordance with the UN Headquarters Agreement. This action has been in development for several months.”

Sa isang Security Council meeting tungkol sa humanitarian situation sa Ukraine, ay sinabi ni Richard Mills, ang deputy ambassador ng US sa UN, na ang 12 ay nagsasagawa ng “non-diplomatic activities.”

Aniya . . . “Those diplomats that have been asked to leave the United States were engaged in activities that were not in accordance with their responsibilities and obligations as diplomats.”

Sinabi naman ni Anatoly Antonov, ambassador ng Russia sa Washington . . . “This is a hostile move against our country.”

Dagdag pa nito, lubhang nadismaya ang Moscow at mariing itinanggi ang mga paratang ng US.

Ang desisyon ng US ay ipinarating sa mga mamamahayag ng ambassador ng Russia sa UN na si Vassily Nebenzia, na hindi kasama sa target ng expulsion, sa isang hindi pangkaraniwang paraan.

Habang nasa isang press conference bago ang UN meeting, humingi ng isang minuto si Nebenzia sa mga mamamahayag para sagutin niya ang isang telephone message. Pagkatapos ay ibinunyag niya na ang mensahe ay tungkol sa expulsion order ng US.

Isang Russian diplomatic source naman ang nagsabi rin na sa naturang expulsion decision ay hindi kasama ang ambassador o ang dalawa niyang senior deputies, na si Dmitry Polyanskiy at Anna Evstigneeva.

Ayon pa kay Nebenzia, hindi iyon magandang balita at idinagdag na ang mga staff na kinukuwestiyon ay kailangang umalis na sa US sa March 7.

Ang Russian mission sa UN ay mayroong nasa 100 staff, ayon sa isang Russian diplomatic source.

Ang anunsiyo ng pagpapatalsik ay ginawa sa huling araw ng rotating presidency ng Russia sa UN Security Council, na nagpapalit kada buwan. Ang presidential seat ay kailangang ibigay na ng Russia sa United Arab Emirates ngayong Martes.

Please follow and like us: