120 incubator babies, nanganganib matapos putulin ng Israel ang suplay ng fuel sa Gaza

AFP

Nanganganib ngayon ang buhay ng hindi bababa sa 120 bagong silang na mga sanggol na nasa incubators sa mga ospital sa Gaza, dahil naputol na ang suplay ng gas.

Ayon sa health ministry ng Gaza, mahigit 1,750 mga bata na ang nasawi dahil sa inilunsad na strikes ng Israel sa Gaza Strip bilang ganti sa October 7 Hamas attacks.

Ang mga ospital ay nahaharap sa malaking kakulangan ng gamot, fuel at tubig hindi lamang para sa libu-libong sugatan sa mahigit dalawang linggo nang labanan sa pagitan ng Gaza militants at Israel, kundi maging para sa kanilang routine patients.

Sinabi ni UNICEF spokesman Jonathan Crickx, “We have currently 120 neonates who are in incubators, out of which we have 70 neonates with mechanical ventilation, and of course this is where we are extremely concerned.”

Ang kuryente ang isa sa mga pangunahing alalahanin para sa pitong specialist wards sa buong Gaza na gumagamot sa premature babies upang tumulong sa kanilang paghinga at magbigay ng critical support, gaya halimbawa kung ang kanilang organs ay hindi pa lubusang developed.

Ipinag-utos ng Israel ang isang ‘complete blockade’ sa teritoryo makaraan ang pag-atake ng Hamas, kung saan ang Islamist group ay nakapatay ng 1,400 katao, karamihan ay mga sibilyan, ayon sa mga opisyal ng Israel.

Sa gitna ng malawakang pagputol sa suplay ng kuryente, nagbabala ang World Health Organization na ang mga ospital ay nauubusan na ng fuel para sa generators.

Sinabi ng WHO, na nasa 1,000 katao rin na nangangailangan ng dialysis ang nanganganib din kapag huminto na ang generators.

Dalawampung aid trucks ang tumawid mula Egypt patungong Gaza noong Sabado, ngunit walang kasamang fuel dito.

Nangangamba ang Israel na baka makatulong ang fuel sa Hamas, bagama’t ang limitadong suplay na nasa Gaza ay inilipat na upang manatiling tumatakbo ang generators para sa medical equipment.

Sinabi ng UNICEF spokesman, “If they (babies) are put in mechanical ventilation incubators, by definition, if you cut the electricity, we are worried about their lives.”

Noong Sabado ay sinabi ng Gaza health ministry, na 130 premature babies ang nasa panganib na mamatay dahil sa kakulangan ng fuel.

Humigit-kumulang 160 mga babae ang nagsisilang ng sanggol sa Gaza bawat araw, ayon sa UN Population Fund, na tinayang mayroong 50,000 babaeng buntis sa buong teritoryo na may 2.4 na milyong populasyon.

Habang sinasabi ng Israel na ang mga strike nito ay para sa Hamas, ang mga bata ang bumubuo sa malaking bahagi ng 4,385 na namatay na iniulat ng Hamas-run health ministry.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *