1,200 bata ang namamatay kada taon dahil sa air pollution ayon sa EU agency
Ang air pollution ang naging sanhi ng wala sa oras na kamatayan ng higit 1,200 indibidwal na wala pang 18-anyos sa buong Europe, at pinatataas ang panganib ng chronic disease sa huling bahagi ng buhay, ayon sa European Union environmental agency (EEA).
Pagkatapos ng pag-aaral sa higit 30 mga bansa, kasama ang 27 miyembro ng European Union (EU), sinabi ng EEA na sa kabila ng improvements, “the level of key air pollutants in many European countries remain stubbornly above World Health Organization (WHO) guidelines, particularly in central-eastern Europe and Italy.”
Hindi kabilang sa report ang pangunahing industrial nations ng Russia, Ukraine at United Kingdom, na nagmumungkahi na ang pagkalahatang bilang ng mga namatay ay maaaring mas mataas pa.
Noong Nobyembre ay inanunsiyo ng EEA, na 238,000 katao ang namatay nang wala sa panahon dahil sa air pollution noong 2020 sa EU, Iceland, Liechtenstein, Norway, Switzerland at Turkey.
Ayon sa ahensiya, “Air pollution causes over 1,200 premature deaths per year in people under the age of 18 in Europe and significantly increases the risk of disease later in life.”
Ang pag-aaral ay ang una ng ahensiya na nakatuon partikular sa mga bata.
Sinabi pa ng ahensiya, “Although the number of premature deaths in this age group is low relative to the total for the European population estimated by EEA each year, deaths early in life represent a loss of future potential and come with a significant burden of chronic illness, both in childhood and later in life.”
Hinimok nito ang mga awtoridad na pagtutunan ang pagpapabuti sa kalidad ng hangin sa paligid ng mga paaralan at nurseries, maging sa sports facilities at mass transport hubs.
Tinukoy sa report, “After birth, ambient air pollution increases the risk of several health problems, including asthma, reduced lung function, respiratory infections and allergies. Poor air quality can also ‘aggravate chronic conditions like asthma, which afflicts nine percent of children and adolescents in Europe,’ as well as increasing the risk of some chronic diseases later in adulthood.”
Batay sa mga numero na ipinalabas ngayong Lunes, noong 2021 ay 97 porsiyento ng urban population ang nalantad sa hangin na hindi nakapasa sa mga rekomendasyon ng WHO.
Noong isang taon ay binigyang din ng EEA na ang EU ay nasa landas na upang maabot ang kanilang target, na mabawasan ang wala sa panahong pagkamatay ng 50% pagdating ng 2030 kumpara noong 2005.
Sa mga unang bahagi ng 1990s, ang “fine particulates” ang sanhi ng halos isang milyong wala sa panahong pagkamatay o premature deaths kada taon sa 27 EU countries. Bumagsak ito sa 431,000 noong 2005.
Kung titingnan, ang sitwasyon sa Europe ay mas mainam kaysa alinmang bahagi ng mundo ayon sa WHO, na isinisisi sa air pollution ang pagkamatay ng pitong milyon sa buong mundo, halos kasing dami ng namamatay dahil sa paninigarilyo o bad diets.
Ilan sa daang libong namatay ay kinabibilangan ng mga batang wala pang kinse anyos.
Tumagal ng hanggang September 2021 upang magkaroon ng kasunduan, na higpitan ang limitasyong itinakda para sa mga pangunahing pollutant noong 2005.
Sa Thailand pa lamang na ang ilang bahagi ay apektado ng toxic smog, sinabi ng health officials noong isang linggo na 2.4 na milyong katao ang nagpagamot dahil sa problemang medikal na may kaugnayan sa air pollution simula nang mag-umpisa ang 2023.
Ang pinong-pinong particulates, na pangunahing galing sa mga kotse at mga trak at maaaring tumagos ng malalim sa baga, ay ikinukonsiderang pinakamalalang air pollutant, na sinusundan ng nitrogen dioxide at ozone.
© Agence France-Presse