DFA nanindigan na parte ng EEZ at continental shelf ng Pilipinas ang Ayungin Shoal

Bahagi ng Exclusive Economic Zone o EEZ at continental shelf ng Pilipinas ang Ayungin Shoal.

Ito ang iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos na harangin at bombahin ng tubig ng China Coast Guard (CCG) ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na magdadala ng tubig, pagkain at iba pang mga suplay sa mga tropa ng militar na naka-istasyon  sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

“The Ayungin  Shoal is a low tide elevation that is part of the Philippines’ exclusive economic zone and continental shelf, pursuant to the 1982 UNCLOS and as affirmed by the 2016 Arbitral Award. The Philippines exercises sovereign rights and jurisdiction over Ayungin Shoal.” Pahayag ni DFA spokesperson Ma. Teresita Daza

“The  Department is fully aware of the  incident reported and shares the concerns raised by the AFP and PCG in their statements.” Dugtong pa ni Daza.

Sinabi ni DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza na alinsunod sa 1982 UNCLOS at sa 2016 Arbitral Award ang Ayungin Shoal ay parte ng teritoryo ng Pilipinas.

Dahil dito, ang Pilipinas aniya ang may sovereign rights at hurisdiksyon sa Ayungin Shoal.

Sa tala ng DFA, umaabot na sa 444 ang diplomatic protests ang inihain ng Pilipinas laban sa mga iligal na aktibidad ng Tsina sa West Philippine Sea mula noong 2020.

Mula sa nasabing bilang, 34 diplomatic protests ang inihain ngayong taon ng Pilipinas laban sa China.

Ngayong 1:30 ng hapon ay magsasagawa ng pulong balitaan ang DFA kasama ang mga opisyal ng National Security Council (NSC), AFP, at PCG ukol sa seryosong insidente sa Ayungin Shoal.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *