13 patay, 46 ang nasaktan sa pagsabog sa nickel plant sa Indonesia
Hindi bababa sa 13 katao ang nasawi at 46 na iba ang nasaktan sa eastern Indonesia nitong Linggo, sa nangyaring pagsabog sa isang Chinese-funded nickel-processing plant, ayon sa may-ari ng industrial park na kinaroroonan ng pasilidad.
Ang isla ng Sulawesi ay isang hub para sa produksyon ng nickel ng bansang mayaman sa mineral, isang base metal na ginagamit para sa mga baterya ng de-kuryenteng sasakyan at hindi kinakalawang na asero, at ang lumalaking pamumuhunan ng Beijing ay nagdulot ng kaguluhan sa mga kondisyon sa pagtatrabaho sa mga pasilidad nito.
Nangyari ang aksidente bandang alas 5:30 ng umaga nitong Linggo (local time), sa isang planta na pag-aari ng PT Indonesia Tsingshan Stainless Steel (ITSS) sa Morowali Industrial Park sa Central Sulawesi province.
Ayon sa tagapagsalita ng industrial complex, “The confirmed number of fatalities is 13 people, consisting of nine Indonesian workers and four workers from China. Forty-six other victims were injured, mostly due to exposure to hot steam.”
Nasa 29 na mga biktima ang dinala sa isang government-run hospital sa Morowali district, habang ang 12 iba pa ay inoobserbahan sa isang klinika sa industrial complex at lima naman ang binigyan ng outpatient care.
Lumitaw sa isang pagsisiyasat na nangyari ang pagsabog habang kinukumpuni ang isang furnace (hurno), na isinara muna para sa maintenance, nang may dumikit na residual slag mula sa furnace sa flammable materials na nasa paligid nito.
Ang Tsingshan Holding Group, na pinakamalaking nickel producer at pinakamalaking stainless steelmaker ng China, ang may majority share sa ITSS.
Ang ITSS ay umuupa sa industrial park, na ang majority ay pag-aari ng Tsingshan at ng local partner nito na Bintang Delapan.
Ayon sa kompanyang nagpapatakbo sa industrial park, “We are deeply saddened by this disaster, particularly for the families affected.”
Sinabi nito na ang labi ng ilan sa mga nakilala nang biktima ay inilipad pabalik sa kanilang tahanan, habang ang labi ng isang biktima ay ibinigay na sa kaniyang pamilya.
A Chinese worker who was injured in the explosion at a nickel smelter furnace is brought to the Morowali Regional General Hospital in Central Sulawesi on December 24, 2023. At least 13 people were killed and 38 injured in eastern Indonesia on December 24 in an explosion at a Chinese-funded nickel-processing plant, the owner of the industrial park that hosts the facility said. (Photo by AFP)
Una nang sinabi ni acting Morowali district head Rachmansyah Ismail sa mga mamamahayag noong Linggo ng hapon, na 25 ang nasaktan, 15 Indonesians at 10 foreign nationals, na agad isinugod sa pagamutan makaraan ang pagsabog.
Aniya, labingpito ang lubhang nasaktan, habang walo ang katamtamang nasaktan.
Sinabi naman ng ministry official na si Yuli Adiratna, na magpapadala ang manpower ministry ng isang team upang imbestigahan ang aksidente.
Aniya, “The ministry was probing the operations of the company. We are still gathering information and accurate data from the field on whether to stop the company’s activities or not.”
Noong Enero, dalawang manggagawa kabilang ang isang Chinese national ang namatay sa isang nickel smelting plant sa kaparehong industrial park, makaraang sumiklab ang isang riot habang nagkakaroon ng protesta kaugnay sa safety conditions at suweldo.
Karaniwan na ang mga nakamamatay na sunog sa Indonesia, isang bansa na may mahigit sa 250 milyong katao kung saan ang mga regulasyon sa kaligtasan ay binabalewala.
Noong Hunyo, isang sunog sa kaparehong planta ang nag-iwan ng isang patay at anim na iba pang sugatan, sa isa pang insidente na nagbunga ng pangamba sa kaligtasan sa mga pasilidad na pinopondohan at ino-operate ng Chinese companies.
Ang pasilidad kung saan nagkaroon ng riot at sunog ay ino-operate ng PT Gunbuster Nickel Industry (GNI), isang local unit ng Jiangsu Delong Nickel Industry ng China.