1,325 bagong PCG trainees, sumabak na sa pagsasanay
Sasailalim sa anim na buwang pagsasanay ang 1,325 bagong trainees ng Philippine Coast Guard.
Sa nasabing bilang, mahigit 600 sa mga trainees ang idineploy sa regional training centers sa Zamboanga, 350 sa Taguig City, at 330 babaeng trainees sa La Union.
Nanumpa muna ang mga trainees sa oath taking at convening ceremony sa Pier 13 sa Port Area sa Maynila.
Si PCG Commandant Admiral Artemio Abu ang nagpanumpa sa mga trainees.
Hinimok ni Abu ang mga trainees na maging disiplinado at masunurin.
Kaalinsabay ng oath taking ng PCG trainees ay ang send-off ceremony sa BRP Teresa Magbanua sa una nitong misyon sa Regional Marine Pollution Exercise (MARPOLEX) 2022 sa Makassar, Indonesia.
Ang BRP Teresa Magbanua ang pinakamalaki at pinakabago na barko ng PCG.
Bago tumulak sa Indonesia ay dadaan muna ang barko sa Zamboanga para ihatid ang nasa 600 trainees doon.
Lalahok ang BRP Teresa Magbanua sa pag-assess sa oil spill response capabilities ng Pilipinas, Indonesia, at Japan.
Kabilang rin sa mga participating PCG vessels sa MARPOLEX 2022 ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301), BRP Malapascua (MRRV-4403) at BRP Cape Engaño (MRRV-4411).
Moira Encina