13th month pay para sa mga contractual workers ng gobyerno inihain sa Senado
Isinusulong na rin sa Senado ang panukalang batas na mabigyan ng 13th month pay ang mga contractual employee ng gobyerno .
Sa Senate bill no 1621 ni Senador Ramon Bong Revilla, sinabi nitong gaya ng mga rank and file employees, dapat mabigyan rin ng 13th month pay ang mga contractual at job order employees lalo na kung matagal na silang naglilingkod sa gobyerno.
Sa datos aniya ng government human resources, hanggang June ngayong taon, 642,000 o katumbas ng 26 percent ang nasa job order at contract of service.
Ayon kay Revilla ang kanilang trabaho kasing bigat rin naman ng mga nasa rank and file kaya entitled dapat sila sa mga benepisyong natatanggap ng mga rank and file.
Makakatulong aniya ito para makasabay rin ang mga mangagawa sa mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Meanne Corvera