14 -Man Bicameral Conference Committee Panel ng Kamara para sa 2023 proposed National Budget pinangalanan na
Nagtalaga na si House Speaker Martin Romualdez ng House of Representatives Contingent sa Bicameral Conference Committee na tatalakay sa 2023 Proposed National Budget na nagkakahalaga ng 5.268 Trillion pesos.
Batay sa listahan na inilabas ni Speaker Romualdez ang house panel sa Bicameral Conference Committee ay pangungunahan mismo ni Congressman Zaldy Co Chairman ng House Committee on Appropriations kasama sina Congresswoman Estella Quimbo, Congressmen Ralph Recto, Aurelio Gonzalez, Manix Dalipe, Zandro Marcos, Jay Jay Suarez, Nepthali Gonzalez II, Jose Aquino II, Raul Bongalon, Eleandro Madrona, Michael Duavit, Marcelino Libanan at Edcel Lagman.
Ayon kay Romualdez anumang hindi pagkakasundo ng bersiyon ng mababang kapulungan ng Kongreso at Senado sa 2023 Proposed National Budget ay aayusin sa Bicameral Conference Committee.
Inihayag ni Romualdez na mayroong Mutual Agreement ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa pamamagitan ng Inter Parliamentary Courtesy na hindi na pahihirapan ang reconciliation ng National Budget bill.
Umaasa si Romualdez na malalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 2023 Proposed National Budget bago ang holiday break ng Kongreso sa buwan ng Disyembre.
Vic Somintac