14 na Milyong doses ng anti – COVID 19 vaccine darating sa bansa sa Mayo at Hunyo – Malakanyang
Inaasahan ng Malakanyang na labing apat na milyong doses ng anti COVID 19 vaccines ang darating sa bansa mula Mayo hanggang Hunyo ngayong taon.
Sa press briefing sa Malakanyang sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na sa Sabado May 1 ay nakatakdang dumating ang 15 libong doses ng Gamaleya Sputnik V ng Russia.
Ayon kay Galvez sa May 7 naman ay panibagong 1.5 milyong doses ng Sinovac ang darating mula sa China.
Inihayag ni Galvez inaasahan ding sa loob ng buwan ng Mayo ay panibagong batch ng 500 libong doses ng Sinovac at isa hanggang 2 milyong doses ng Sputnik V ang darating sa bansa.
Naniniwala si Galvez na possible ring may deliveries na AstraZeneca sa Mayo mula sa COVAX facility ng World Health Organization o WHO.
Niliwanag ni Galvez pagsapit naman ng Hunyo nakalinyang dumating sa bansa ang 194 libong doses ng Moderna, 4.5 milyong doses ng Sinovac, 2 milyong doses ng Sputnik V, 1.3 milyong doses ng AstraZeneca na binili ng pribadong sektor.
Maliban dito sinabi ni Galvez na nakatanggap sila ng sulat mula sa COVAX facility at Gavi na nagsasabing makapagdi- deliver sa bansa ng 2.2 milyong doses ng Pfizer sa Hunyo.
Vic Somintac