155 patay sa Tanzania dahil sa pananalasa ng malakas na ulan sa East Africa
Hindi bababa sa 155 katao ang namatay sa Tanzania dahil sa pananalasa ng malakas na mga pag-ulan na ini-uugnay sa El Nino, na nagdulot ng mga pagbaha at landslides.
Ang Tanzania at iba pang mga bansa sa Silangang Africa, isang rehiyon na lantad sa climate change, ay binabayo ng higit sa karaniwang lakas ng mga pag-ulan nitong nakalipas na mga panahon ng tag-ulan, kung saan ilang dosenang katao na ang napaulat na namatay sa Kenya.
Sinabi ni Prime Minister Kassim Majaliwa, na mahigit sa 200,000 katao ang naapektuhan ng sakuna sa Tanzania, na may 155 pagkamatay at 236 katao pa ang nasaktan.
Kenyan police say a total of 13 people have been killed in flash floods in Nairobi this week / SIMON MAINA / AFP
Ayon kay Majaliwa, “The heavy El Nino rains, accompanied by strong winds, floods and landslides in various parts of the country, have caused significant damage.”
Aniya, ang mga bahay, ari-arian, pananim at mga imprastraktura gaya ng mga kalsada, tulay, riles ng tren at mga eskuwelahan ay nasira o nawasak.
Dagdag pa niya, “The devastating effects of the rains were ‘primarily due to environmental degradation,’ deforestation, unsustainable farming practices such as ‘slash and burn’ agriculture and unregulated livestock grazing.”
Noong Abril 14, sinabi ng gobyerno na kabuuang 58 katao, kabilang ang mga bata, ang namatay dahil sa mga pag-ulan at pagbaha sa pagsisimula ng Abril.
The floods caused transport chaos in Nairobi / Tony KARUMBA / AFP/File
Ang El Nino na isang natural na pattern ng klima na karaniwang nauugnay sa pagtaas ng init sa buong mundo, pati na rin ang tagtuyot sa ilang bahagi ng mundo at malakas na pag-ulan sa ibang lugar, ay maaaring magkaroon ng mapangwasak na epekto sa East Africa.
Sa Kenya, nasa 45 katao na ang namatay mula nang magsimula ang panahon ng tag-ulan noong Marso, kabilang ang 13 na namatay dahil sa flash floods sa kabiserang Nairobi noong nakaraang linggo.
Nagpatawag ng isang emergency multi-agency meeting si President William Ruto upang tugunan ang krisis, makaraang lumikha na ng ligalig ang matitinding mga pag-ulan at mga pagbaha sa buong siyudad, sanhi upang hindi na maraanan ang mga kalsada at malubog naman sa tubig-baha ang mga tahanan sa slum districts.
Hangang nitong Huwebes, ang ilang bahagi ng Nairobi ay namalaging lubog sa baha, habang pinayuhan naman ang mga mamamayan ng Kenya na manatiling alerto, dahil tinatayang magkakaroon pa ng malalakas na mga pag-ulan sa buong bansa sa mga darating na araw.
Sa isang press briefing ay sinabi naman ni Deputy President Rigathi Gachagua, “People affected by the floods would be given food and other goods, while those living in the most vulnerable areas would be relocated.”
Dagdag pa niya, “The government… will do whatever it takes, apply all the required resources in terms of money and personnel to make sure that lives are not lost and the people of Kenya are protected from this disaster.”
Around 96,000 people have been displaced in Burundi / Tchandrou Nitanga / AFP/File
Sa Burundi, isa sa pinakamahirap na mga bansa sa planeta, humigit-kumulang sa 96,000 katao ang nawalan ng tahanan bunsod ng ilang buwan nang walang tigil na mga pag-ulan.
Samantala, sinabi ng OCHA, ang humanitarian response agency ng United Nations, na sa Somalia, ay lalo pang lalakas ang mga pag-ulan simula Abril hanggang Hunyo, kung saan may mga naiulat nang flash floods simula noong Abril 19.
Ayon sa ulat, apat katao na ang namatay at mahigit sa 800 people ang naapektuhan o nawalan ng tahanan sa buong bansa.
Ang Uganda man ay dumanas din ng malalakas na mga bagyo na naging sanhi upang umapaw ang mga ilog, kung saan nakumpirma ang pagkamatay ng dalawa katao at ilang daang villagers naman ang na-displaced.
Noong nakaraang taon, higit sa 300 katao ang namatay sanhi ng matinding pag-ulan at baha sa Kenya, Somalia at Ethiopia, sa panahong sinusubukan ng rehiyon na makabawi sa pinakagrabeng tagtuyot na kanilang dinanas sa apat na dekada, na nag-iwan ng milyong kataong gutom.
Simula Oktubre 1997 hanggang Enero 1998, ang malawakang mga pagbaha ay ikinamatay na ng mahigit sa 6,000 katao sa limang bansa sa rehiyon.
Noong Marso ay sinabi ng World Meteorological Organization (WMO) ng UN, na ang El Nino, na nag-peak noong Disyembre, ang isa sa limang pinakamalala na naitala.
“Therefore, ‘above normal temperatures are predicted over almost all land areas’ between March and May,” ayon sa quarterly update ng WMO.