16 patay sa car crash sa Algeria na karamihan ay mga migrante
Labing-anim na mga pasahero ang nasawi at tatlong iba pa ang nasaktan na karamihan ay sub-Saharan Africans, nang magbanggaan ang dalawang pickup trucks sa southern Algeria, ayon sa ulat ng rescue services at local media.
Sa post sa Facebook ng civil protection agency, nangyari ang aksidente sa isang highway sa isang disyerto sa timog ng Algeria.
Sa nasabing bilang, 14 ay mula sa African countries sa timog at dalawa naman ang Algerians. Ayon sa local media, naganap ang aksidente sa pagitan ng Reggane at Bordj Badji Mokhtar sa timugang-kanlurang bahagi ng bansa. .
Isinisisi naman ng road safety agency ng Algeria ang mabilis na pagpapatakbo kapwa ng mga tsuper ng pampubliko at pribadong transportasyon, sa mataas na bilang ng mga aksidente sa kalsada sa kanilang bansa.
Noong 2021, nakapagtala ang Algeria ng higit sa 7,000 traffic accidents na ikinasawi ng hindi bababa sa 2,643 katao habang 11,000 naman ang nasaktan.
Ang mga kalsada sa Algeria ay kabilang sa pinaka delikado sa rehiyon, ngunit libu-libo rin ang namamatay kada taon sa mga aksidente sa kalsada sa iba pang North African countries.
© Agence France-Presse