1,642 lungsod at munisipalidad, natukoy ng Comelec bilang election areas of concern sa 2025 midterm elections

Ilang araw bago ang pagsisimula ng election period, ay inilabas na ng Commission on Election (Comelec) ang listahan ng 1,642 na mga lungsod at munisipalidad na kabilang Election Areas of concern o mga lugar na binabantayan nila para sa 2025 midterm elections

Kasama rito ang 1,239 na nasa green category, 188 na nasa yellow category, 177 na nasa orange at 38 lugar na nasa Red Category.

Kasama sa basehan sa paglalagay ng yellow category ay kung may mga history ng election related violence sa nakalipas na eleksyon, presensya ng private armed group at mainit na labanan ng mga kandidato.

Papasok naman sa orange category kung may kombinasyon ng dalawang risk factor sa yellow category, habang red category kung may kombinasyon ng risk factor at presensya ng communist group at terror group.

Sa 38 nasa red category, 32 dito ang nasa Bangsamoro region, 2 sa Region 2, dalawa sa Region 5 at tig-isa sa Region 6 at Region8

Ayon kay Comelec chairman Gorge Erwin Garcia, inatasan na nila ang AFP at PNP na magdagdag ng deployment sa naturang mga lugar, upang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang idaraos na halalan.

Gagawin din nila ang lahat para walang mangyaring failure of elections gaya sa nakalipas na 2022 national elections.

Paiigtingin din ng AFP at PNP ang pagtugis sa private armed groups (PAGS) na maaaring magamit sa eleksiyon.

Batay sa datos, may 3 aktibong PAGS, habang 5 ang potential PAGS na ginagamit.

Mas magiging mahigpit din sila sa implementasyon ng gun ban na magsisimula na sa Linggo, January 12 hangang June 11, 2025.

Epektibo ito sa nakalipas na halalan kaya naiwasan ang mga karahasan gamit ang baril.

Tiniyak naman ng PNP at AFP, na ipatutupad ng maayos ang plain view doctrine sa pagsita sa mga motorista.

Oobligahin din nila ang mga pulis na magsuot ng body camera at maglagay ng cctv sa mga checkpoint, upang masiguro ang maayos na pagsasagawa nito.

Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *