16K antigen test kits, ibinigay ng Israel sa DND
Aabot sa 16,000 units ng antigen test kits ang ipinagkaloob ng Israel Ministry of Defense sa Department of National Defense ng Pilipinas bilang tulong sa paglaban nito sa COVID-19.
Sina Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss at Defense Attaché Raz Shabtay ang nag-turnover ng mga donasyon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Isinagawa ang handover ceremony sa DND Headquarters sa Quezon City.
Sinaksihan ang seremonya ng iba pang mga opisyal at staff ng DND at Israel Embassy.
Sinabi ni Ambassador Fluss na ang mga magkakaibigan ay sinusuportahan ang isa’t isa sa panahon ng pangangailangan at ang Israel ay kaibigan ng Pilipinas.
Tiniyak ng diplomat na patuloy na aagapay at ibabahagi ng Israel ang expertise nito sa iba’t ibang larangan sa Pilipinas.
Una na ring nag-donate ang Israel ng mga PPEs sa DND at PNP.
Nagpadala rin ito ng mga delegasyon ng medical experts na nagbahagi ng mga kaalaman at best practices sa vaccination rollout at mga
clinical guidelines sa COVID-19 infection control protocols at hospital management.
Moira Encina