17 anyos na Chinese badminton player, namatay matapos mag-collapse sa court
Isang 17 anyos na Chinese badminton player ang namatay makaraang mag-collapse sa court sa gitna ng isang international tournament sa Indonesia.
Bigla na lamang sumama ang pakiramdam ni Zhang Zhijie habang nasa gitna ng isang match laban kay Kazuma Kawano ng Japan, sa Asia Junior Championships sa Yogyakarta.
Ang score ay 11-11 sa first game nang si Zhang ay bumagsak sa sahig. Agad siyang nilapatan ng paunang lunas pagkatapos ay dinala sa ospital lulan ng ambulansiya, ngunit namatay nang mabigo ang mga pagsisikap na siya ay maisalba.
Ang sanhi ng kaniyang kamatayan ay hindi pa alam.
Sa joint statement na inilabas ng Badminton Asia at Badminton Association of Indonesia ay nakasaad, “China’s Zhang Zhijie, a singles player, collapsed on the court during a match in the evening. He was sent to the hospital where he passed away at 23:20 local time yesterday. He was attended to by the tournament doctor and medical team. He was taken in the standby ambulance in less than two minutes and sent to hospital. The world of badminton has lost a talented player.”
Si Zhang ay nagsimulang maglaro ng badminton noong siya ay nasa kindergarten at naging bahagi ng national youth team ng China noong isang taon.
Sa mga unang bahagi ng 2024, ay nanalo siya ng singles title sa Dutch Junior International, na isang prestihiyosong youth tournament.
Ayon sa badminston association ng China, “We are deeply saddened. Zhang Zhijie loved badminton and was an outstanding athlete of the national youth badminton team. At present the local hospital has not yet identified the cause of death.”
Ang team tournament sa siyudad ng Yogyakarta ay naglaan ng ilang sandali ng katahimikan at ang Chinese team ay nagsuot ng itim na armbands bilang pagpapakita ng respeto.
Sa kaniyang social media post ay sinabi ni P.V. Sindhu ng India, na nanalo na ng Olympic silver at bronze, subalit hindi kasali sa naturang torneo, “Zhang’s death is absolutely heartbreaking. I offer my deepest condolences to his family during this devastating time. The world has lost a remarkable talent today.”