17 patay sa pamamaril sa northwest Nigeria
Labingpito katao ang pinaslang ng gunmen kabilang ang limang pulis sa magkakahiwalay na pag-atake sa Katsina state sa northwest Nigeria.
Ayon sa pulisya, ang northwest at central Nigeria ang criminal gangs hub na katutubong kilala sa tawag na mga bandido na umaatake sa mga village, pumapatay o nandurukot ng mga residente pagkatapos magnakaw at manunog ng mga bahay.
Ang mga kriminal, na nagkakampo sa sa isang malawak na kagubatan na sumasaklaw sa mga estado ng Zamfara, Katsina, Kaduna at Niger, ay idineklarang terorista ng gobyerno ng Nigeria noong Enero.
Sinabi ng tagapagsalita ng lokal na pulisya na si Gambo Isah, na noong Miyerkoles ay isang grupo ng humigit-kumulang 300 mga bandidong lulan ng motorsiklo ang umatake sa isang police post malapit sa Gatakawa village sa Kankara district, at pumatay ng limang pulis at tatlong sibilyan sa Gatakawa village.
Aniya . . . “We lost five policemen in (a) gunfight with the bandits in an effort to prevent them from raiding Gatakawa village.”
Sinabi naman ng lokal na opisyal na si Musa Ado, na sa hiwalay na insidente ay hindi bababa sa siyam katao ang namatay sa pagitan ng Martes at Miyerkoles sa nangyaring pag-atake sa apat na villages sa katabing Faskari district na isinisisi sa kaparahong gang.
Aniya . . . “Four villages were attacked and a total of nine people were killed, with Ruwan Godiya village losing six people. A person was killed in each of the other three villages where the bandits looted livestock and other supplies.”
Pinaigting ng mga bandido ang pag-atake sa estado ng Katsina, kung saan nago-operate sila mula sa kanilang hideouts sa kalapit na estado ng Zamfara na kanilang kuta.
Bagama’t ang mga gang ay nauudyukan ng mga pinansiyal na pakinabang at walang ipinaglalabang ideolohiya, nangangamba ang mga opsiyal ng Nigeria sa posibleng kaugnayan nito sa jihadists mula sa hilagang-silangan, na 13 taon nang nagsasagawa ng insurhensya.
© Agence France-Presse