17 tripulanteng Pinoy kasama sa mga hostage sa hinayjack na cargo ship sa Red Sea
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 17 tripulanteng Pilipino ang kabilang sa mga hostage ng mga rebeldeng Houthi sa hinayjack na barko sa Red Sea.
Tiniyak naman ni DFA Spokesperon Ma. Teresita Daza na ginagawa ng kagawaran at ng buong gobyerno ang lahat para ligtas na mapalaya ang mga Pinoy.
Nakikipagtulungan din aniya ang DFA sa Department of Migrant Workers (DMW) na pangunahing may hurisdiksyon sa mga kaso ng seafarers.
Sinabi pa ni Daza na nagpupulong at nagtutulungan ang lahat ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ukol sa isyu.
Aabot sa 25 ang crew ng British-owned at Japanese-operated cargo ship na Galaxy Leader na hinayjack sa Hodeida, Yemen habang patungong India.
Bukod sa mga Pinoy, kabilang sa mga crew ay Mexican, Bulgarian at Ukrainian nationals.
Pinaniniwalaan ng Houthi rebels na Israeli ship ang barko na itinanggi naman ng Israel.
Moira Encina