172 contact cases ng Marburg virus victim, minomonitor ng Guinea
DAKAR, Senegal (AFP) – Minomonitor ng Guinea health officials ang 172 contact cases ng isang lalaking namatay dahil sa Marburg virus.
Ang unang naitalang kaso ng virus sa West Africa, na kabilang sa filovirus family gaya ng Ebola ay nakumpirma noong August 9.
Ang virus na dala ng paniki at may historic fatality rate ng hanggang 88%, ay nakita sa samples na kinuha mula sa isang pasyente na namatay noong August 2 sa southern Gueckedou prefecture ng Guinea.
Ayon sa WHO, ang kaniyang mga sintomas ay lumitaw noong July 25.
Sinabi ni Health Minister Remy Lamah, na wala nang lumitaw na mga bagong kaso ng Marburg.
Aniya . . . “We are truly engaged in strengthening prevention and monitoring infections, in the detection of cases and raising public awareness.”
Ayon pa kay Lamah . . . “Guinea was also monitoring 58 contact cases of Ebola patient while facing a resurgence of COVID cases that was severely testing our health services.”
Wala pang gamot o bakuna para sa Marburg, na ang sintomas ay kinabibilangan ng mataas na lagnat at internal at external bleeding.
Agence France-Presse