179 katao, patay sa South Korea plane crash

Muan International Airport, South Korea, December 29, 2024. Yonhap via Reuters

Nagdeklara na ng period of national mourning ang gobyerno ng south korea hanggang sa january 4, 2025, para sa isangdaan at pitompu’t siyam kataong namatay sa itinuturing na “deadliest” air accident na naranasan ng bansa mula noon 1997.

Dalawa lamang sa isangdaan at walompu’t isang lulan ng eroplano ang nakaligtas, nang mag-crash land at magliyab ang isang Jeju air flight Boeing 737-800 sa Muan International Airport, kahapon ng umaga.

Samantala, nagtayo ang red cross volunteers ng yellow makeshift tents para doon magpalipas ng gabi ang kaanak ng mga biktima, habang kinukuha ng crime scene investigators ang swabs para sa DNA test upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Parehong sinabi ng mga lokal na opisyal ng bumbero at mga eksperto sa aviation, na may posibilidad na nagkaroon ng malfunction sa landing gear, habang sinabi naman ni Lee Jeong-hyun, pinuno ng Muan Fire Department, na ang tinatayang sanhi ng aksidente ay bird strike o kaya naman ay masamang lagay ng panahon.

Pareho namang nakuha ang dalawang black box mula sa airliner, kabilang ang flight data at voice record na makapagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa imbestigasyon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *