18.7 million viewers, nanood ng Oscar awards
Sinabi ng ABC network, na tumaas ang ratings sa telebisyon ng Oscars sa ikalawang sunod na taon, dahil 18.7 milyon ang nanood para subaybayan ang pagdomina ng hit sci-fi movie na “Everything Everywhere All At Once” sa “well-reviewed ceremony.”
Sa pagbabalik ni Jimmy Kimmel bilang host, at ang pagiging nominado ng ilang bona fide blockbuster movie gaya ng “Top Gun: Maverick” at “Avatar: The Way of Water,” kaya umasa ang mga organizer na ang 95th Academy Awards ay muling aakit ng mga manonood.
Ang average na bilang ng audience na nanood ngayon ay katumbas ng 12% na pagtaas mula sa nanood noong isang taon, na naging kontrobersyal dahil sa pananampal ni Will Smith kay Chris Rock sa stage.
Ang pinakamababang bilang naman ng nanood sa Oscars ay ang pandemic-era edition noong 2021, kung saan humigit-kumulang 10 milyon lamang ang nanood;
Ang upward trend ay isang magandang balita para sa live award shows, na ang viewers ay nabawasan ng malaki dahil sa kakumpetensyang streamers at social media highlight clips.
Gayunman, ang ratings figure noong Linggo ay ikatlo pa rin sa pinakamababa sa kasaysayan ng Oscars.
Ang gala, na kinatampukan ng performances ng may malalaking pangalan sa industriya ng musika gaya nina Rihanna at Lady Gaga, ay pinuri ng mga kritiko sa pangkalahatan.
Tinawag ng Variety magazine ang show na “familiar” but “tasteful.”
Ayon naman sa New York Times, “The lack of any significant upsets — or on-stage violence — made the show “a shrink-wrapped, anodyne exercise” which “stuck safely to the script.”
Ang “Everything Everywhere,” na isang word-of-mouth smash hit na kumita ng $100 million sa global box office, ay nanalo ng pitong award kabilang ang best picture, habang ang isa sa bituin nito na si Michelle Yeoh ang naging kauna-unanag Asian woman na nagwagi bilang best actress.
© Agence France-Presse