18 ang patay sa kaguluhan at sunog sa isang club sa Indonesia
Hindi bababa sa 18 ang nasawi sa nangyaring kaguluhan sa pagitan ng 2 grupo sa isang night club sa bayan ng Sorong sa West Papua province ng Indonesia, kung saan karamihan ay namatay nang magkaroon ng sunog sa nasabing club.
Ayon kay Sorong police chief Ary Nyoto Śetiawan, ang nangyaring kaguluhan alas-11:00 nitong Lunes ng gabi ay nagmula pa sa kaguluhang nangyari noong nakalipas na Sabado.
Isa sa mga biktima ay sinaksak at 17 iba pa ang namatay sa nangyaring sunog sa Double O nightclub.
Ayon kay Sorong Police health division head Edward Panjaitan . . . “We found 17 bodies in Double O. They were all found on the 2nd floor. We have evacuated the bodies to Selebe Solu Hospital.”
Sinabi ng pulisya na ang kaguluhan ay hindi kinasasangkutan ng mga naninirahan sa remote West Papua, kung saan matagal nang may nangyayaring low-level insurgency.
Ayon sa mga opisyal, iniimbestigahan na nila ang sanhi ng sunog na tumupok sa malaking gusali.
Sinabi ni police chief Śetiawan . . . “The club was burnt from the 1st floor. We tried to evacuate as many people as possible, but after the firefighters extinguished the fire this morning, we found some bodies there.”
Ayon sa pulisya, ang kaguluhan ay sa pagitan ng dalawang ethnic groups na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan.
Ani Śetiawan . . . “We tried to mediate between the groups, as we called their leaders before last night’s clash.”
Nagdeploy na ang pulisya ng mga tauhan sa bayan upang mapigilan ang dagdag pang mga kaguluhan.