180,000 menor de edad sa QC, nabakunahan na kontra Covid-19
Tuluy-tuloy ang pagbabakuna sa lahat ng age group sa lungsod Quezon.
Sa tala ng City Government, nasa halos 180,000 kabataan na o mga nasa edad 12-17 ang nabakunahan na.
Sa isinagawang pagbabakuna kahapon sa 5th District ng lungsod, nasa halos 2,000 menor de edad ang nabakunahan.
Samantala, tuluy-tuloy din ang pagbabakuna sa booster sa mga kabilang sa A1, A2 at A3 priority groups maging sa adult population.
Sa mga nais magpabakuna maaaring mag-book ng schedule sa QC Vax Easy Plus (https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy) o maaari ring magpalista sa inyong mga Barangay o pinakamalapit na Health center sa inyong lugar.
Bawal ang walk-in sa mga vaccination site.