19 DOH hospitals sa NCR, nakitaan ng pagtaas sa bilang ng admitted Covid-19 patients
Nakitaan ng pagtaas ang bilang ng mga pasyenteng inaadmit sa mga ospital sa Metro Manila nitong nakalipas mga nakalipas na araw.
Ito ang inamin ni Dr. Imelda Mateo, Chief ng Amang Rodriguez Memoral Medical center sa panayam ng Balitalakayan.
Sinabi ni Mateo na hanggang kahapon, nasa 50 pasyente na ang naka-admit sa pagamutan maliban pa aniya ito sa mga pasyenteng nasa mild at asymptomatic.
Umaabot na rin aniya sa 75 percent occupied ang critical care unit ng ospital.
Pero hindi lamang sa Amang Rodriguez ang nakikitaan ng ganitong senaryo kundi maging sa 19 na chain hospitals ng DOH ang naobserbahan ang pagtaas ng mga admitted patients ng Covid-19.
Pero sinabi ni Mateo na sapat pa naman ang suplay ng kanilang suplay partikular ng mga oxygen dahil nakapaghanda sila ng maaga para hindi sila kapusin.
Nasa 11 healthworkers din ng pagamutan ang nadagdag na nagpositibo sa Covid-19 na ngayon ay naka-isolate na sa kanilang extended facilities.
Samantala, nagpapasalamat naman ang Medical community sa gobyerno sa muling pagsasailalim sa ECQ ng Metro Manila.
Ayon kay Mateo, kailangang gawin ito upang hindi na lumobo ang kaso ng Covid-19 lalu na ngayong may mas nakahahawa nang delta variant.
Umapila rin si Mateo sa publiko na manatili na lamang sa mga tahanan kung wala namang mahalagang pupuntahan at kung nasa loob ng bahay ay gawin pa rin ang pag-iingat.
“Please stay home. Pero kahit nasa bahay take precaution kasi pwede pa ring ma-transmit ang virus even in household. Regularly wash your hands at wear face mask and keep your distance isama na ang good air circulation at ventilation”. – Dr.Imelda Mateo, Chief, Amang Rodriguez Memoral Medical center