19 fireworks related injuries, naitala ng DOH
Ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, may 19 fireworks related injuries na ang naitala ng Department of Health.
Ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire, mas mataas ito ng 58% kung ikukumpara sa 12 kaso lamang na naitala noong 2020.
Lahat aniya ng 19 na ito, biktima ng paputok.
Wala namang naitalang biktima ng fireworks ingestion o nakalulon ng paputok, ligaw na bala, o nasawi dahil rito.
Sa datos ng DOH, 37% ng mga tinaaman ng paputok ay naitala sa Region 6 o sa Western Visayas.
Ang 16 sa mga ito, biktima ng iligal na paputok.
Ang 6 ay dahil sa Boga at 3 naman ay dahil sa Piccolo.
Kabilang sa listahan ng mga ipinagbabawal na paputok ay ang: 5-Star, Atomic Bomb, Atomic Triangle, Bin Laden, Boga, Coke-In-Can, Giant Bawang, Giant Whistle Bomb, Goodbye Bading, Goodbye De Lima, Goodbye Napoles, Goodbye Philippines, Hello Columbia, Kabasi, Kwitis, Large Size Judas Belt, Lolo Thunder, Mother Rockets, Piccolo, Pillbox, Pla-Pla, Pop pop, Super Lolo, Super Yolanda, at Watusi.
Madz Moratillo