19 na Immigration personnel kinasuhan ng NBI sa Office of the Ombudsman kaugnay sa ‘Pastillas’ scheme
Sinampahan ng mga reklamong kriminal ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman ang 19 na tauhan ng Bureau of Immigration na sangkot sa tinaguriang “Pastillas scheme”.
Kinilala ng NBI ang mga kinasuhan na sina:
Acting Port Division Chief GRIFTON SAN PEDRO MEDINA, DEON CARLO ALBAO, FIDEL MENDOZA, ABDULHAFEZ DELA TONGA HADJIBASHER, GABRIEL ERNEST MITRA ESTACIO, RALPH RYAN MACAHILO GARCIA, PHOL BENDAÑA VILLANUEVA, ABDUL FAHAD GURO CALACA, DANILO CARO DEUDOR, MARK DOLLETE MACABABAD, AURELIO SOMERA LUCERO III, GEORGE BITUIN, SALAHUDIN PACALDA HADJINOOR, CHEVY CHASE REYES NANIONG, JEFFREY DALE SALAMEDA IGNACIO, HAMZA USUDAN PACASUM, MANUEL BRILLANTE SARMIENTO III, CHERRY PIE PAYABYAB RICOLCOL, at ER GERMAN TEGIO ROBIN.

Ang mga nasabing Immigration officers at personnel ay nakatalaga sa NAIA Terminals.
Inirekomenda ng NBI sa Ombudsman na ilagay sa preventive suspension ang mga nabanggit na tauhan ng Immigration
Sinabi ni NBI OIC Director Distor na batay sa testimonya ng whistle blower na Immigration Officer, nagkuntsabahan ang mga sangkot sa Pastillas scheme para humingi at tumanggap ng mga salapi, regalo at iba pang benepisyo kabilang na ang sexual favors mula sa mga dayuhan kapalit ng pagpapasok sa mga ito sa bansa kahit wala ang mga kinakailangang dokumento.
Sinabi ng NBI na mayroong foreign travel agencies, clients, at ilang miyembro ng dayuhang sindikato na sangkot sa mga iligal na gawain sa Pilipinas na magbibigay ng listahan ng mga foreign nationals at ang kanilang arrival schedule sa kanilang mga contact sa loob ng BI.
Ang nasabing contacts naman ay ipo-forward ang listahan sa kanilang Viber group chat.

Ang mga administrator ng group chat ay ibibigay naman ang nasabing impormasyon o listahan sa mga Immigration officers at personnel na nakatalaga sa frontline immigration counters, Travel Control and Enforcement Unit at iba pang miyembro ng Pastillas group.
Samantala, inirekomenda din ng NBI na kasuhan ang may-ari ng Empire International Travel and Tours na si Liya Wu ng Corruption of Public Officials sa ilalim ng Article 212 ng Revised Penal Code.
Natukoy na ang Empire International Travel and Tours ang pinaka popular at makapangyarihan na travel agency sa BI na nagbabayad ng Pastillas money para madaling makapasok sa bansa ang kanilang Chinese passengers.
Pinakakasuhan din ng NBI sa Ombudsman ng karagdagang kaso si Immigration Officer JEFFREY DALE SALAMEDA IGNACIO alyas BOSS NYEPI ng Qualified Trafficking in Persons dahil sa pagrecruit sa isang babaeng Taiwanese na magtrabaho sa Pilipinas at pagasikaso sa pagpasok nito sa bansa kahit ito ay tourist visa holder lamang.
Puwersahang inilipat sa POGO company ang dayuhan na nadiskubre niyang iligal.
Nabatid na kinumpiska ang pasaporte ng Taiwanese at inabuso physically at mentally at pinuwersang magtrabaho na parang alipin hanggang sa masagip ng NBI -Special Task Force noong nakaraang Pebrero.
Moira Encina