19 patay 22 sugatan sa Mexico bus crash
19 katao ang namatay at 22 iba pa ang nasaktan, makaraang magbanggaan at masunog ang isang double-decker bus at isang trak, sa northwestern Mexico.
Ayon sa mga awtoridad, ang nasunog na bus ay bumibiyahe galing sa Guadalajara City na nasa western state ng Jalisco patungo sa Los Mochis sa Sinaloa.
Sinabi ni Sara Quinonez, attorney general ng Sinaloa state, “Nineteen lifeless bodies have been counted. It would take time to identify the victims.”
Ayon naman kay Roy Navarrete, direktor ng civil protection sa Sinaloa, “The truck and the bus, carrying nearly 50 people collided head-on before catching fire.’
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng bangaan na nangyari bago magmadaling araw sa isang highway sa munisipalidad ng Elota.
Karaniwan na sa Mexico ang mga banggaan sa lansangan na nagreresulta sa kamatayan, na malimit ay dahil sa matuling pagpapatakbo, hindi magandang kondisyon ng mga sasakyan, o pagod ang tsuper.
Tumaas din ang bilang ng mga banggaan sa kalsada na kinasasangkutan ng freight trucks.
Nanawagan ang safety campaigners para sa mas mahigpit na mga regulasyon, tulad ng pagbabawal sa mga trak na humila ng dalawang trailer ng kargamento.
Ang mga banggaan sa kalsada ay isa ring pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga migrante, na sinusuong ang mapanganib na paglalakbay patungo sa Estados Unidos.