19 patay matapos bumagsak ang isang eroplano sa Lake Victoria sa Tanzania
Sinabi ni Prime Minister Kassim Majaliwa, na umakyat na sa 19 ang bilang ng nasawi sa pagbagsak ng eroplano sa Tanzania matapos bumulusok sa Lake Victoria ang Precision Air flight lulan ang dose-dosenang pasahero, habang papalapag sa northwestern city ng Bukoba galing sa financial capital na Dar es Salaam.
Una nang sinabi ng Regional authorities na ang 26 na nakaligtas mula sa 43 lulan ng flight PW 494, ay maayos na nailabas mula sa eroplano at dinala na sa pagamutan sa lakeside city.
Gayunman ayon sa Precision Air, isang publicly-listed company na siyang pinakamalaking private carrier ng Tanzania, 24 katao ang nakaligtas sa aksidente, kung saan sinabi ng isang airline official na ang dalawang iba pang na-ospital ay hindi sakay ng bumagsak na eroplano.
Sinabi ng naturang opisyal na ayaw magpakilala, “There are two people who were injured during rescue efforts who have been counted as survivors but they were not passengers.”
Ayon sa airline, nagpadala na sila ng rescuers at mga imbestigador sa pinangyarihan ng aksidente at nagpahayag ng pakikisimpatiya sa nangyari.
Pahayag ng kompanya, ang eroplano ay isang ATR 42-500, na gawa ng Toulouse-based Franco-Italian firm na ATR, at may sakay na 39 na mga pasahero kabilang ang isang sanggol at apat na crew.
Makikita sa video footage na ipinalabas sa local media na malaking bahagi ng eroplano ang nakalubog sa tubig, habang ang rescuers, na kinabibilangan ng mga mangingisda ay tinutulungan ang mga nakaligtas na mailabas.
Tinangka namang i-angat ng emergency workers ang eroplano sa tulong ng mga lubid, cranes at mga residente.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay si President Samia Suluhu Hassan sa mga kaanak ng mga biktima.
Ang naturang aksidente ay itinuturing na “deadliest plane crash” sa kasaysayan ng Tanzania na isang East African country.
Ang Precision Air, na partly owned ng Kenya Airways, ay itinatag noong 1993 at nago-operate ng domestic at regional flights, maging ng private charters sa mga sikat na tourist destination gaya ng Serengeti National Park at Zanzibar archipelago.
© Agence France-Presse