19 patay sa pag-atake sa military hospital sa Kabul
Hindi bababa sa 19 ang nasawi at 50 iba pa ang nasugatan, nang atakihin ang isang military hospital sa Kabul.
Ayon sa Taliban, isang suicide bomber na lulan ng motorsiklo ang nagpasabog ng kaniyang sarili malapit sa entrance ng ospital.
Sinundan naman agad ito nang paglusob ng mga armadong kalalakihan at walang habas na nagpaputok.
Nabatid na dalawampung taon nagsasagawa ng insurhensiya ang Taliban laban sa napatalsik na US-backed government ng Afghanistan.
Ayon sa isang Taliban official . . . “All the attackers are dead. Some attackers entered the hospital compound. Two explosions targeted the hospital area.”
Ang naturang ospital ay unang inatake noong 2017 ng mga armadong kalalakihan na nagpanggap pang mga medical personnel, kung saan hindi bababa sa 30 katao ang nasawi. (AFP)