19 patay sa sunog sa pambabaeng dormitoryo ng mga estudyante sa Guyana
Investigators and government employees inspect the school dormitory where a fire killed at least 19 people in Mahdia, Guyana on May 22, 2023. (Photo by Keno GEORGE / AFP)
Hindi bababa sa 19 na kabataan ang nasawi sa sunog sa dormitoryo ng mga mag-aaral sa Guyana, na nagbunga ng pagkagalit ng mga tao.
Sinabi ng taong tumulong sa emergency services na ayaw magpakilala, na hindi pa batid kung paano nagsimula ang sunog sa isang dormitoryong tirahan ng mga batang babae na may edad 11-12 at 16-17. Ang gusali ay tinupok ng apoy.
Ayon sa pahayag ng fire department, “Fourteen youths died at the scene, while five died at the Mahdia District Hospital.”
Nauna rito ay sinabi ng gobyerno, na 20 katao ang namatay sa sunog sa Mahdia Secondary School sa central Guyana.
Ang Guyana, na may 800,000 populasyon, ang tanging bansang nagsasalita ng Ingles sa Timog Amerika. Ito ay isang dating kolonya ng Dutch at British na kamakailan ay nadiskubreng nagtataglay ng pinakamalaking per capita oil reserves sa buong mundo.
Pagkatapos ng trahedya nitong Linggo, higit sa isang dosenang mga bata ang ginamot sa mga lokal na ospital habang anim na nasa malubhang lagay ang dinala sa Georgetown, kabisera ng Guyana.
Ayon sa fire brigade, “Two children remain in critical condition, while four are nursing severe injuries as a result of the incident.”
Nabatid na mayroong 63 mga mag-aaral ang nasa loob ng gusali nang sumiklab ang sunog.
Sinabi ni President Irfaan Ali, “This is a major disaster. It is horrible, it is painful. I had ordered arrangements to be made in Georgetown’s two major hospitals so that every single child who requires attention be given the best possible opportunity to get that attention.”
Nitong Lunes, humigit-kumulang sa 50 mga kaanak at kaibigan ng mga biktima ng sunog ang nagsagawa ng demonstrasyon sa Chenapau, isang village malapit sa Mahdia na tahanan ng marami sa mga mag-aaral ng paaralan.
Dala ng mga ito ang mga banner na humihingi ng katarungan at kabayaran, at pagbatikos sa katotohanang ang dormitoryo ay may mga rehas.
Sinabi ni Michael McGarrell, isang aktibista sa Amerindian People’s Association (APA) na malimit ay may hidwaan sa gobyerno kaugnay ng mga karapatan sa lupa na namatayan ng dalawang pamangkin sa sunog, “Why are school children grilled up in death traps? What are we going to tell the parents?”
Sa pahayag ng fire service, “Firefighters did manage to rescue some 20 students by breaking holes in the north-eastern wall of the building.”
Ang mga pribado at militar na eroplano ay ipinadala naman sa Mahdia, na matatagpuan mga 200 kilometro (125 milya) sa timog ng Georgetown, dahil ang rehiyon ay apektado ng malakas na pag-ulan.
Ipinahayag naman ng gobyerno, “Five planes have already taken off to Mahdia to support the regional health officials with additional medical supplies and medivacs.”
Dagdag pa nito, “officials were supporting efforts at Ogle airport in the capital to ‘receive the critical patients’ and coordinate an emergency plan of action. A full-scale medical emergency action plan has been launched.”
Samantala, nanawagan naman si Natasha Singh-Lewis, isang opposition MP, ng imbestigasyon sa sanhi ng sunog.
Aniya, “We need to understand how this most horrific and deadly incident occurred and take all necessary measures to prevent such a tragedy from happening again.”
Kabilang sa pinakamahihirap na bansa sa South America, umaasa ang Guyana na ang pagkakatuklas ng langis ay makakatulong sa kanilang pag-unlad. Ipinagmamalaki rin ng bansa ang pangalawang pinakamataas na porsyento ng kagubatan sa mundo.