190 na mga Overstaying at Undocumented OFW mula sa Kuwait nakauwi na sa Pilipinas
Nakauwi na rin sa Pilipinas ang 190 pang mga Overseas Filipino workers mula sa Kuwait.
Ayon kay Overseas Workers welfare administration o OWWA Deputy Administrator for operations Brigido Dulay, ang naturang mga OFW ay kabilang sa mga undocumented at overstaying na nag-avail ng amnesty ng gobyerno ng Kuwait.
Sinabi ni Dulay na umaabot na ngayon sa mahigit 4,000 mga Pinoy ang nakapag -avail ng amnestiya.
Pero patuloy aniya ang panawagan ng embahada ng pilipinas sa Kuwait sa mga pinoy na mag-avail na sa programa para makaiwas sa posibleng pag-aresto.
Ang amnesty program ay inaasahang matatapos na sa Linggo, April 22.
Ulat ni Meanne Corvera