198 motorsiklo, kinumpiska sa 3-Day One Time Big Time Operations ng QCPD
Sa pakikipagtulungan ng mga police station sa Quezon City, nahuli ang aabot sa 198 na motorsiklo na unregistered at walang plaka sa 3-Day One Time Big Time operations ng Quezon City Police District (QCPD)
Ang mga nakumpiskang mga motorsiklo ay agad naman na nai-turnover sa impounding area.
Nagsimula ang operasyon noong April 26-28, sa magkakaibang anti-criminality checkpoint sa buong Lungsod ng Quezon.
Katuwang din sa operasyon ang Department of Public Order and Safety (DPOS) na naatasang mag-issue ng Official Violation Receipts (OVR) sa mga may paglabag.
Nagbabala naman si PBGen Redrico Maranan na lahat ng ilegal ay kanilang huhulihin tulad ng pagmamaneho na walang lisensiya, paggamit ng motor na hindi rehistrado, at walang plate number.
JM Guillomas