2 Australian Navy ships dumating sa Pilipinas
Dalawang Australian navy vessels, kabilang ang helicopter dock na itinuturing na biggest ship ng Australia ang dumating sa Pilipinas para sa limang araw na goodwill visit sa bansa.
Sinalubong ng mga opisyal ng Philippine Navy at ni Australian Ambassador to the Philippines Amanda Gorely ang mga crew at opisyal ng warship.
Bahagi ang dalawang barko joint task group na indo-pacific endeavor 2017 at layong ipamalas ang kakayahan ng Royal Australian Navy sa pagtulong sa maritime security at disaster response sa rehiyon.
Taong 2015, kinomisyon sa serbisyo ang naturang barko at nagamit na sa ilang disaster relief operations.
May kakayahan ito na maglulan ng mga amphibious vehicle, aircraft at iba pang sopistikadong gamit.
Sinabi ni Ambassador Gorely na mabisang katuwang pa rin ng Australia ang Pilipinas pagdating sa disaster response kaya lalong nagpatibay sa relasyon ng dalawang bansa ang pagbisita ng naturang barko.
Maliban dito, nakasuporta rin ang Australian government sa paglaban sa terorismo at pagbangon ng Marawi City.
Samanatala, binisita ni Pangulong Rodrigo Dduterte ang Hmas Adelaide kung saan inikot nito ang ilang bahagi ng barko.
Kasama rin sa mga bumisita sina Executive Secretary Salvador Medialdea at si Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Nagpasalamat ang pangulo sa pagbisita ng Australian warships sa bansa at nabanggit nito ang isyu ng terorismo na parehong kinakaharap ng dalawang bansa.
Ulat ni Jerold Tagbo