2 Bilyong piso, inilaan ng gobyerno para sa relief assistance ng mga sinalanta ng bagyong Odette
Naglaan ng 2 bilyong piso ang pamahalaan para sa relief assistance ng mga komunidad na naapektuhan ng bagyong Odette.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, nag-commit si Pangulong Rodrigo Duterte ng pondo kahit pa nauubos na ang pondo ng gobyerno dahil sa Covid-19 Pandemic.
Kahapon, nagsagawa ng aerial inspection ang Pangulo kasama si Senador Christopher Bong Go sa mga lugar na matinding tinamaan ng bagyo.
Sinabi pa ni Nograles na nasa mahigit 700,000 sa 2,322 Barangay ang naapektuhan ng bagyo.
Nasa 74,680 families rin ang nasa mga evacuation center na nangangailangan ng tulong.
Please follow and like us: