2 Centenarians, tumanggap ng Cash Assistance sa SJDM, Bulacan
Pinagkalooban ng Centenarian Cash Assistance ang dalawang Centenarians ng Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan na sina Rocon Macaondar, 107 anyos ng Barangay Gaya-gaya at Herminigilda Domondon, 100 anyos ng Barnagay San Manuel.
Personal silang binisita ng mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna nina Mayor Arthur Robes at Congresswoman Florida Robes. Bukod sa cash, inihatid din sa naturang Centenarians karagdagang ayuda tulad ng bigas at grocery package para sa kanilang pamilya.
Samantala, mahigpit namang ipinatutupad ang wastong pagsusuot ng face mask at face shield sa buong SJDM bilang pag iingat na rin laban sa sakit dulot ng COVID-19 at upang maiwasan ang hawaan.
Base sa Provincial Ordinance No. 89-2020, ang mga lalabag sa Ordinansa ay may kaukulang multa. Isang libong piso ( P1,000 ) sa unang paglabag, tatlong libong piso (P3,000)sa ikalawang paglabag at limang libong piso (P5,000) sa ikatlong paglabag at maaring makulong ng di bababa sa isang buwan o higit pa sa dalawang buwan base sa hatol ng korte.
Pinapayuhan din ang lahat na panatilihin ang hindi bababa sa isang (1) metrong distansya mula sa ibang mga tao habang nasa pampublikong lugar at transportasyon.
Mahigpit ding ipinatutupad ang Provincial-Wide Curfew na 11:00 P.M. – 4:00 A.M. Sa mga lalabag ay may kaukulan din na multa at parusa base sa Provincial Ordinance No. 87-2020. Isang libong piso (P1,000) sa unang paglabag, tatlong libong piso (P3,000) sa ikalawang paglabag at limang libong piso (P5,000) sa ikatlong paglabag at maaring makulong ng hindi bababa sa isang buwan o higit pa sa dalawang buwan base sa hatol ng korte.
Lagi lamang tatandaan ang salitang BIDA! Bawal walang mask, I-sanitize ang mga kamay, Dumistansya ng isang Metro, Alamin ang totoong impormasyon.
Ces Rodil