2 patay higit 40 nasugatan sa lindol na tumama sa Leyte
Dalawa ang patay sa nangyaring magnitude 6.5 na lindol na tumama sa Leyte.
Ayon kay Mayor Rowena Codilla , isa ang namatay sa Kananga Leyte.
Sinabi naman ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na isa rin ang patay sa kanyang nasasakupang lugar.
Dagdag pa ni Mayor Gomez nasa 41 katao ang nasugatan dahil sa lindol.
Agad naman aniyang dinala sa ospital ang mga nasugatang biktima.
Samantala, nagdulot din ng power outage sa Taclocan City at Ormoc City ang nasabing lindol.
Tumama ang lindol , walong kilometro ang layo sa Southwest ng Bayan ng Jaro.
May lalim itong dalawang kilometro.
Naramdaman ang pagyanig sa lakas na intensity 5 sa Tacloban at Palo Leyte at maging sa Cebu City.