2 petition for disqualification laban kay BBM idineklara ng submitted for resolution ng Comelec
Idineklara ng submitted for resolution ng Commission on Elections 1st Division ang dalawang petition for disqualification laban kay Presidential aspirant Bongbong Marcos.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, naisalang na rin sa raffle ang kaso at may naitalaga ng ponente na susulat ng resolusyon.
Kabilang sa mga petisyon na ito ang inihain ni Retired General Abubakar Mangelen na nagpakilalang Chairman umano ng Partido Federal ng Pilipinas.
Ang nasabing partido ang nagbigay ng Certificate of Nomination kay Marcos.
Habang ang isa pa ay consolidated petition na inihain ng Akbayan at iba pang personalidad at ni Bonifacio Ilagan.
Ang mga petisyon para madiskwalipika si Marcos ay dahil sa naging conviction rito noon ng Korte dahil sa hindi paghahaon ng income tax return.
Madz Moratillo